AwesomeeeKhim
ENTWINED WITH YOU





home message archive facebook twitter

Ang love ay hindi hinahanap, kusa yang dumarating. Parang ikaw, hindi kita hinanap, bigla ka nalang dumating sa buhay ko ng hindi ko inaasahan. Nasaktan na ako dati. Sinasabi ko na sana mawala na lahat ng sakit sa puso. Nagkatotoo nga, may instant blessing pa. Ikaw yun. Ikaw ang binigay ni God sa akin. Sa pangit na nakaraan ko may tao pa ring tatanggap at magmamahal sa akin. Akala ko noon, hindi na ako sasaya, puro sakit na lang mararamdaman ko, pero dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon. Hindi lang basta masaya, sobrang saya as in super duper saya! Binigyan mo ng kulay ang buhay ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasiyahan. Kapag hahawakan mo mga kamay ko, sobrang kinikilig na ako. Kapag kasama kita, hindi maalis ang ngiti ko. Thankful pa nga ako na umasa ako noon, niloko ako noon, na nasaktan ako ng todo noon, kasi kung eto naman yung kapalit ng lahat ng yun, worth it lahat ng pinagdaanan ko.

Salamat Salamat sa pagpapasaya sa akin, salamat sa walang sawang pang -unawa at pag-intindi sa akin. Salamat sa pagmamahal mo sa akin. Salamat sa pag-aalaga mo sa akin. Salamat sa lahat. Mahal na mahal kita amore (mahal).


  1. babaengwalangpangalan reblogged this from awesomeeekhim
  2. awesomeeekhim posted this